Napigilan ng mga tauhan ng Army’s 1st Mechanize Infantry Battalion ang bomb attack matapos iulat ng isang concerned citizen ang hinihinalang improvised explosive device (IED) sa national highway sa Maguindanao, nitong Sabado.

Nadiskubre ang IED sa Barangay Saniag, Ampatuan, Maguindanao sa ganap na 10:00 ng umaga.

Pansamantalang hindi pinadaan ang mga commuter habang kinordonan ng awtoridad ang lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan.

Makalipas ang ilang sandali, nagsagawa ng safety procedure ang Explosive Ordnance Disposal (EOD) of the Army at narekober ang isang IED na gawa sa unexploded ordnance mula sa 105mm projectile, wires at isang 9 volts battery.

PBBM, inalala si 'Apo Lakay' sa 107th birthday: 'His wisdom remains a guiding force!'

“We should work together for a just and lasting peace without the use of arms and violence,” sabi ni Sobejana.

-Francis T. Wakefield