Ni ADOR V. SALUTA

NILINAW ni Vice Ganda na alam niya ang balak na pagsasama nina Vic Sotto at Coco Martin sa isang pelikula para sa Metro Manila Film Festival.

“I’m fully aware of that. Wala namang taong hindi mahigpit ang labanan kasi lahat nagtatrabaho nang husto, para makapagbigay ng magandang materyal para sa mga taong manonood,” sinabi ni Vice sa ulat ng Bandila.

Dagdag pa niya, matagal na raw plano ni Coco na makasama si Vic sa isang pelikula.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kasabay nito, ipinagmalaki ni Vice ang entry niya sa film fest ngayong taon.

“Yes, magpi-film fest ako. Ang ganda ng concept ko ngayon. Nung nagmi-meeting pa lang kami sa Star Cinema tawa na kami nang tawa. ‘Yung konsepto ko at ng Star Cinema, nagbangga. Ang ganda, nabuo siya,” kuwento ni Vice.

Samantala, masaya ring ibinahagi ng It’s Showtime host ang kanyang inihandang pasabog para sa 7th anniversary ng GGV ngayong Linggo, June 3.

“Dito sa anniversary episode ng GGV nagmukhang ako ‘yung guest, hindi ako ‘yung host. So, ‘yung mga nag-interview sa akin, si Tito Boy Abunda, si Sir Gus Abelgas. Tapos may isang segment na sobrang saya ‘yung dugtungan, kasama ko sina Ethel Booba at K Brosas, na sobrang nakakatawa,” ani Vice.

Kaugnay nito, idinaan naman ni Vice sa Twitter ang paghingi niya ng paumanhin sa mga fans na nabigong makipag-selfie sa kanya after ng taping ng nasabing anniversary episode. Aniya, sobrang napagod daw siya kaya hindi na niya kinaya ang makipag-selfie, bagamat niyakap naman daw niya ang mga ito.

“Sobrang pagod after taping GGV ANNIV episode. Pasensya na sa mga fans sa labas ng resto na pinakusapan kong pass muna sa paselfie at hug na lng kasi pagod n tlga ko. Thanks for understanding! Bawi ako next time (sic),” tweet ni Vice.

“After kasi ng taping kahapon gusto ko nang kumain at umuwi tapos paglabas namin sa ABS, kumain kami sa isang Korean restaurant tapos napansin ko dumadami na yung fans na nag-aabang sa labas so paglabas ko nakiusap ako eh siyempre lahat gusto mag-selfie. Sabi ko, ‘Pasensya na ha. Pagod na pagod lang talaga ako. Pagbigyan niyo muna ako ngayon hug na lang. Kasi hindi ko na kaya magpa selfie babawi ako next time,” dagdag pa ng TV host.