By Nora V. Calderon

PALIPAT pa lang noon si John Estrada sa GMA Network ay nabanggit na niyang may big project siyang gagawin pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa Siyete.

john

Hindi niya sinabi kung ano ang project na tinutukoy niya, at kung sino ang makakasama niya, pero sinundan iyon ng tweet ng anak niyang si Inah de Belen na nagsasabing lilipat nga ang ama sa GMA, at may gagawing project na ang makakasama ay si Alden Richards.

Tsika at Intriga

Nakaranas ng binat: Kylie Padilla, apektado sa nanay na sinunog 3 anak

Na-bash pa nga noon si Inah, dahil akala ng AlDub fans ay siya ang susunod na makaka-love team ni Alden. Pero madaling nag-explain si Inah na hindi siya kasama sa bagong serye ni Alden, kundi ang daddy niyang si John.

True enough, isa nga si John sa bubuo sa cast ng Victor Magtanggol at nag-meet na sila ni Alden last Wednesday, May 30, sa first taping day nila together. Kaagad na bumilib si John sa una pa lamang nilang pagmi-meet ni Alden, at nagkapalagayan na kaagad sila ng loob.

“Parang feeling ko, eh, matagal na kaming magkakilala,” sabi ni John. “I think this is the biggest project of GMA this year. So, I feel really blessed na napasama ako sa proyektong ito.”

“First time ko siyang (John) na-meet, and very excited na ako to do the scenes with him,” sabi naman ni Alden.

Hindi pa sinasabi kung ano ang role na gagampanan ni John sa Victor Magtanggol, pero may mga nagsasabing baka siya ang main kontrabida ni Alden, dahil mahusay na kontrabida ang aktor.