Patay ang isang tulak ng ilegal na droga habang sugatan ang isang pulis nang mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa Novelita, Cavite kahapon.

Sa report na ipinarating kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Calabarzon Police Office, sa halip na sumuko si “Natoy” ay nanlaban umano ito sa mga pulis sa buy-bust sa Barangay San Rafael 4, Novelita, dakong 1:30 ng madaling araw.

Ilang sandaling nagkapalitan ng mga bala at tuluyang bumulagta si Natoy habang isang pulis ang duguan.

Nasamsam sa suspek ang isang pakete ng umano’y shabu, P300 cash, at baril.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Fer Taboy