Inaasahang lalagdaan ng Pilipinas at South Korea ang apat na kasunduan, kabilang ang loan agreement para sa bagong international port sa Cebu, sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea, simula Hunyo 3 hanggang 5.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella na lalagdaan ang bilateral accords kasunod ng summit meeting nina Duterte at South Korean President Moon Jae-in sa susunod na linggo.

Sa una niyang opisyal na pagbisita sa South Korea simula nang maupo sa puwesto noong 2016, inaasahang makikipagpulong din si Duterte sa Korean business leaders at sa Filipino community roon.

Sa Palace press briefing, sinabi ni Abella na ang mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea ay sasakupin ang transportation, infrastructure, technology at trade cooperation.

Sigaw ni Sen. Risa: 'Mananagot ka, Apollo Quiboloy!'

“There’ll also be a loan agreement on the New Cebu International Container Port Project between the Government of the Republic of the Philippines and the Export- Import Bank of Korea,” ani Abella.

Inaasahang tatalakayin din nina Duterte at Moon ang “social cooperation o proteksiyon ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Mayroong tinatayang 1.6 milyong turistang Korean sa Pilipinas at 450,000 Pilipinong turista naman sa Korea noong 2017, bukod pa sa expatriates sa bawat bansa.

Ttinatayang 68,000 Pilipino ang nasa South Korea. Karamihan ay pumasok sa Korea sa pamamagitan ng Employment Permit System or EPS, habang ang iba ay mga estudyante, professionals, missionaries, at asawa ng Korean nationals.

“The significance of this visit refers back to -- basically has to do with conveying to the Republic of Korea the importance of its partnership with the Philippines and to reaffirm the strength of Philippine-Republic of Korea relations,” ani Abella.

SI MEDIALDEA MUNA

Habang nasa South Korea, itinalaga ni Pangulong Duterte si Executive Sec. Salvador Medialdea bilang officer-in-charge ng pamahalaan.

Sa nilagdaang special order ng Pangulo, partikular na pangangasiwaan ni Medialdea ang day-to-day operations ng Office of the President at ang Executive Department.

HUSTISYA KAY JEE

Nakahanda si Pangulong Duterte na tiyakin kay Moon na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay noong 2016 sa negosyanteng si Jee Ick-Joo.

“I’m sure he will reassure them that everything that needs to be done is being done and that we will assure that justice will be done,” ani Abella. “It’s not part of the agenda but if raised at all, it may be on a side basis.”

Si Jee ay dinukot at pinatay ng mga tiwaling pulis sa PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City noong 2016 sa ipinalabas na anti-drug operations. Iniulat na humiling ang mga salarin ng ransom mula sa pamilya ng Koreano nang hindi sinasabi na patay na ito.

-GENALYN D. KABILING at BETH CAMIA