YANGON (AFP) – Inihayag ng United Nations na pumayag ang gobyerno ng Myanmar nitong Huwebes na papasukin ito sa magulong Rakhine state matapos ang ilang buwang argumento kung paano i-repatriate ang libu-libong Rohingya Muslim refugees.

Halos sarado ang western state matapos ang madugong military-led campaign noong nakaraang taon na nagpuwersa sa 700,000 Rohingya na tumakas sa katabing Bangladesh at magtiis sa ngayon ay tinaguriang pinakamalaking refugee camp sa mundo.

Lumagda ang Myanmar at Bangladesh sa repatriation deal noong Nobyembre ngunit hanggang ngayon ay iilang refugees pa lamang ang nakababalik.

Sinabi ng UN na ang mga kondisyon sa Rakhine ay hindi mainam para sa ligtas, boluntaryo at makataong pagbabalik ngunit ang draft agreement nitong Huwebes ay magpapahintulot sa mga ahensiya na makapasok sa Rakhine, ‘’including to refugees’ places of origin and areas of potential return that has not been permitted since violence broke out in August 2017,’’ saad sa pahayag nito.
Internasyonal

TikToker na afam, habambuhay makukulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay at kaibigan nito