MULING sasabak sa bigtime boxing si two-time world title challenger Warlito Parrenas sa pagkasa sa Hapones na si Ryuichi Funai para sa bakanteng WBO Asia Pacific super flyweight title sa Hunyo 14 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Ito ang ikatlong sunod na laban ni Parrenas sa Japan makaraang talunin via 2nd round TKO ni dating WBO super flyweight champion Naoya Inoue noong Disyembre 29, 2015 sa Ariake Colloseum sa Tokyo.

Sa kanyang unang world title bout noong Hulyo 4, 2015 sa Hermosillo, Mexico, dapat na nagwagi si Parrenas sa puntos laban kay David Carmona ngunit idineklara 12-round split draw ang kanilang sagupaan kaya hindi niya naiuwi ang WBO interim super flyweight crown.

Matagal nang super flyweight champion ng Japan si Funai na unang lumaban sa regional bout noong 2012 ngunit pinatulog sa 5th round ni dating OPBF bantamweight champion Rolly Lunas na isa ring Pilipino.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

May rekord si Funai na 29 na panalo, pitong talo na may 20 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Parrenas na may kartadang 26-7-1 a may 23 panalo sa knockouts.

-Gilbert Espeña