ANG ToFarm Film Festival ang only advocacy-driven film festival today, initiated by Dr. Milagros How, president of Universal Harvester Inc., to help the agricultural industry by showcasing the lives, trials and triumphs of our farmers.
Dalawang taon na itong ginaganap, una noong 2016, then in 2017, na si Direk Maryo J. delos Reyes ang festival director. Sa kanyang pagpanaw, si director-actress na si Bibeth Orteza ang pumalit sa kanya at si Director Joey Romero naman ang managing director.
Ipinakilala na ni Dr. Milagros How ang seven lucky finalists na napili ng selection committee composed by award-winning screenwriter Raquel Villavicencio (chairperson), writer Krip Yuson, director Antoinette Jadaone, director Mario Cornejo, and writer Manny Buising.
Pero may problema ang bawat finalists na pelikula, wala pa silang makuhang artista na gaganap sa kanilang proyekto. Iniiwasan kasi nilang kumuha ng mga artistang may ginagawang teleserye, sa GMA man o sa ABS-CBN. Magiging problema raw nila ang schedules dahil alam naman nating ang taping sa TV, hindi nasusunod ang MWF or TThS schedules, minsan biglang may additional taping days lalo na kung mag eksenang minamadali dahil ipalalabas na ito kinagabihan. Mahirap kung location din ang taping at on location din naman ang shooting ng mga pelikulang gagawin.
Ang napiling finalists ay ang 1957, written at ididirek ni Hubert Tibi; Alimuom: science fiction, written at ididirek ni Keith Sicat; Fa-sang – period romance, written by Charlston Ong, wala pang magdidirek; Isang Kuwento ng Gubat (The Leonard Co Story), biopic, written by Rosalie Matilac at ididirek ni Ellen Ongkeko Marfil; Lola Igna cultural drama, written at ididirek ni Eduardo Roy Jr.; Mga Anak ng Kamote, futuristic absurd comedy-drama, written by John Carlo Pacala at ididirek ni Carlo Enciso Catu; at ang Sol Searching a dark comedy sinulat at ididirek ni Roman Perez Jr.
Ang #ToFarmFilmFestival2018 ay gaganapin sa September 12 to 19.
-Nora Calderon