KUNG regular viewer kayo ng teleseryeng Kambal Karibal na tampok sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara, mapapansin si Nori o Frennie, na kung tawagin ni Jean Garcia ay ‘babaeng panda’ dahil lagi siyang naka-all black na attire pati lipstick, mabuti na lang at maputi ang complexion niya.

FRancesca- calderon

Best friend siya ni Crisan (Bianca) na hindi niya iniwanan kahit kailan. Kilala ba ninyo kung sino si Nori/Frennie?

Sa Marimar nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong 2007–2008, ang gumanap bilang anak nilang si Cruzita ay si Francesca Salcedo. Almost five years old lang noon si Cheska na pagkatapos ay naggi-guest sa mga show ng GMA hanggang dumating na siya sa awkward age at hindi na siya uubra bilang child star. Kung meron mang offers, guestings lang. Nagpatuloy siya sa studies niya sa kanila sa San Pablo City sa Laguna, na may mga taniman sila ng lanzones. She’s now sixteen years old.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Ngayon nga lang po ako nagkaroon muli ng regular teleserye sa GMA,” sabi ni Cheska nang bumisita kami sa taping nila ng Kambal Karibal. “Natuwa po ako nang makasama ako rito at nakabalik muli ako sa showbiz. Ngayon po bukod dito, naggi-guest din ako sa iba pang shows sa GMA.”

Ang latest guesting niya ay sa Tadhana, kasama si Pauline Mendoza, na gumaganap naman as Crisel sa serye.

Biniro siya ng mga kaharap niyang press na noong nasa Marimar siya ay napakasuplada niya. Tawa nang tawa si Cheska, hindi na raw niya matandaan iyon pero nag-sorry siya kung nagawa man raw niya iyon.

Kumusta ang pagbabalik niya sa GMA?

“Masaya po at thankful ako na hindi pa rin nila ako nalimutan. Enjoy po akong gawin ang role ko rito, na may third eye ako at ako lang ang nakakakita kay Crisel, ang kaluluwa na kakambal ni Crisan noong unang pinagmamalupitan niya ang kapatid. Masaya kami lagi sa set at sayang na wala na si Jeric (Gonzales) dahil namatay na ang character niya.”

Hindi pa sila muling nagkikita ni Marian ngayon, kaya wish niya, one day ay makasama niya uli ang actress. Sayang daw na nang mag-taping siya ng Tadhana ay wala naman si Marian na siyang host ng drama anthology. Marami pa raw mangyayari sa story ni Crisan na hanggang sa ngayon ay siya pa rin ang best friend.

-Nora Calderon