MATUWAIN sa bata si Maine Mendoza na madalas mapansin kapag may sugod-bahay ang “Juan for All All For Juan” ng Eat Bulaga. Kapag may baby ang contestant, hindi malayong kakargahin ito ni Maine, pati na nga ang baby na kagagaling lang sa chicken fox hindi siya nagdalawang-isip na kargahin.

Maine & Malia Obrian copy

‘Laruan’ ni Maine ang pamangkin na si Matti, kaya kapag hindi siya nakakauwi sa Bulacan dahil sa busy schedule, hinihiram niya ito sa kanyang Ate Niki.

Nag-post si Pokwang sa Instagram ng baby nila ng asawang si Lee O’Brian, si @malia_obrian nang bisitahin silang mag-ina ni Maine sa bahay nila sa Antipolo.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Bakit napunta roon si Maine? Magkapitbahay at good friends kasi sina Pokwang at Paolo Ballesteros. Nagkataong sa Antipolo ang sugod-bahay nila noong isang araw kaya dinalaw nila ni Paolo ang four-month old baby ni Pokwang.

Sa video, tuwang-tuwa si Pokwang na kinunan ng picture si Maine habang karga si Baby Malia, na nang ngumiti, sabi ni Pokwang, “Love niya si Yaya Dub.”

Caption pa ni Pokwang: “Maraming salamat ate @mainedcm sa visit!! Hope to see you again soon!!

Umani agad ito ng maraming likes and comments.

–Nora Calderon