MULING gumawa ng ingay sa chess world si Wesley So matapos magkampeon sa 2018 Altibox Norway Chess Tournament kamakalawa sa Stavanger, Norway.

Wesley So

Wesley So

Nakaipon ang dating Bacoor, Cavite whiz kid ng 6.0 puntos sa siyam na laro para makopo ang titulo sa nasabing blitz chess format.

“Totally unexpected, I suppose,” sabi ng US based na si So sa panayam ng batikang na manunulat na si Peter Doggers. “Everyone expected Magnus to dominate again, like last year.”

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Kabilang sa mga tinalo ni So ay sina Ding Liren ng China sa first round, Sergey Karjakin ng Russia sa 6th round, Shakriyar Mamedyarov ng Azerbaijan sa 7th round at Fabiano Caruana ng Estados Unidos sa 8th round.

Tabla siya kina Viswanathan Anand ng India sa second round, Levon Aronian ng Armenia sa fourth round, Hikaru Nakamura ng Estados Unidos a fifth round at Maxime Vachier-Lagrave ng France sa ninth at final round.

Nalasap niya lamang ang nag-iisang kabiguan kontra kay three-time reigning World Champion Magnus Carlsen ng Norway sa third round