Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

4:00 n.h. -- Petro Gazz vs Pocari Sweat-PAF

6:30 n.g. -- acloban vs Iriga-Navy

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

PAREHAS galing sa back-to-back wins, kapwa magtatangkang mapalawig ang naitalang winning run ang Petro Gazz at reigning champion Pocari Sweat-Air Force sa pagtatapat nila sa unang laro ngayong hapon sa Premier Volleyball League 2 Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Bumalikwas ang Angels mula sa unang tatlong sunod na kabiguan at nagposte ng dalawang sunod na panalo na na-angat sa kanila sa ikalong puwesto kalo ngTacloban.

Nakabalik galing sa kabiguang nalasap sa kamay ng Creamline, pumatas naman ang Lady Warriors sa ikalawang puwesto sa Pay Maya at Balipure taglay ang markang 3-2, panalo-talo kasunod ng dalawang dikit na panalo pinakahuli kontra Purest Water Defenders.

Magtutuos ang Lady Warriors at ang Angels ganap na 4:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng Tacloban at Iriga-Navy ganap na 6:00 ng gabi.

Sa kabila ng ginawang pagpapalit ng import, naging maganda ang ipinakitang laro ng Angels.

Katunayan, nanguna pa ang bagong import na si Olena Lymareva sa kanilang huling panalo.

“We’re adjusting pero the team has been performing admirably. So far, I’m happy with the way we’ve been performing. Kaunting push pa,” pahayag ni Petro Gazz coach Jerry Yee.

Parehas namang galing sa talo, mag-uunahang makabalik ng winning track ang Fighting Warays (2-3) at Lady Oragons(1-3) upang makaangat sa kasalukuyan nilang kinalalagyang ilalim na bahagi ng standings.

-Marivic Awitan