IPINASILIP ni Jolina Magdangal ang kanyang baby girl na si Vika Anaya na kanyang ipinanganak via caesarean operation last Monday.

Mark, Jolina at Pele copy

Parang inunti-unti ni Jolina ang pagpapakita sa mukha ni Baby Vika dahil lips lang muna nito ang ipinost sa social media at sa pangalawa ay buo na ang mukha.

Sa una, ang caption ni Jolina: “Andito na sya!!!!! Maraming salamat sa lahat ng dasal. Ang sakit ng tahi pero pipilitin ko kayanin. Sobrang worth it ang lahat ng sakit dahil sa nakita kong reaction ni Pele kay Vika. Will post pictures very very soon. #TeleVika,” caption ito ni Jolina sa first picture.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ito naman ang caption niya sa picture ni Vika na kita na ang buong mukha: “Meet our Vika Anaya. Mukha syang maputing foundation pero totoong maputi sya! At parang naka-lipstick. At mas may buhok sya kesa kay Pele nung bagong panganak. Excited ako nang ayusan sya. #TeleVika.”

Kabilang sa nag-congratulate kay Jolina at nag-welcome kay Vika sina Judy Ann Santos, Gladys Reyes, Bela Padilla, Sherilyn Tan, Thea Tolentino, Angelika dela Cruz, Karla Estrada, Vina Morales, Melai Francisco, Suzi Abrera, Heart Evangelista, Mark Bautista, Pauleen Luna, Diana Zubiri, Toni Gonzaga, Chynna Ortaleza, Rica Peralejo, Charo Santos-Concio at marami pang iba.

Kagaya sa panganay niyang si Pele, ibi-breastfeed ni Jolina si Vika at magpapagaling pa sa caesarean operation, kaya matagal-tagal pa siguro bago makabalik sa showbiz kabilang ang pagho-host ng Magandang Buhay.

--Nitz Miralles