Patay ang isang security guard habang malubha naman ang lagay ng kanyang kasamahan makaraang paulanan sila ng bala ng hindi pa nakikilalang salarin sa Caloocan City, Linggo ng gabi.

Dead on the spot si Renato Resajelos, 37, sanhi ng mga tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kritikal naman ang kasamahan niyang si Ace Escalante, 38, na nabaril din sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat, bandang 10:00 ng gabi at naka-duty ang mga biktima sa outpost ng binabantayang lupa sa Pangarap Village, Barangay 181, nang biglang sumulpot ang armadong lalaki at pinagbabaril ang dalawa.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

May hinala ang mga awtoridad na posibleng away sa lupa ang motibo sa pagpatay kay Resajelos, dahil may dalawang grupo na nag-aagawan sa lupang kanilang binabantayan.

Anim na basyo ng bala ang narekober ng mga tauhan ng Scene on the Crime Operations (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen.

Orly L. Barcala