Muling nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.
Inihayag ng Flying V na epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay magtataas ito ng 65 sentimos sa kada litro ng gasolina, 45 sentimos sa kerosene, at 35 sentimos naman sa diesel.
Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo, na bunsod pa rin ng
paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. at epekto ng patuloy na kaguluhan sa Middle East.
Nitong Mayo 22 lamang ay nagtaas na ng P1.60 sa kada litro ng gasoline, P1.15 sa diesel, at P1 naman sa kerosene.
-Bella Gamotea