TAPOS na ang paghihintay ng die-hard fans ni Kylie Padilla! Nagbabalik na kasi ang Kapuso actress sa telebisyon at sasabak siya sa Lip Sync Battle Philippines ngayong Linggo (Mayo 27).

ky

Matapos ang kanyang mahabang bakasyon after giving birth to her son, abangan ang pasabog ni Kylie para sa mga manonood.

Excited si Kylie at ang kanyang fans sa kanyang comeback kaya agad umani ng libu-libong likes at congratulatory messages ang Instagram posts tungkol sa pagbabalik niya.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Bukod sa pasabog ni Kylie, double the fun ang sayang hatid nina Michael V at Iya Villania dahil makakabangga niya ang Millennial It Girl na si Gabbi Garcia. Sino kaya ang magwawagi sa kanilang face-off?

Huwag palampasin sa Lip Sync Battle Philippines ngayong Linggo sa GMA Sunday Grande.