Bulagta ang isang retiradong pulis makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Sta. Maria, Davao Occidental, iniulat kahapon.

Sa imbestigasyon ng Sta. Maria Municipal Police Station (SMMPS), kinilala ang biktima na si retired SPO4 Epipanio Cumabig, 64, ng Sitio Sulop Barangay Panglad Sta. Maria, Davao Occidental.

Pauwi na umano ang biktima, sakay sa habal-habal, galing meeting ng mga senior citizen nang sumulpot ang riding-in-tandem at pinagbabaril ang biktima hanggang sa nahulog sa semento.

Agad humingi ng tulong ang driver ng habal-habal at isinugod ang biktima sa ospital, ngunit huli na ang lahat. Humarurot naman ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Fer Taboy