CAMP MACABULOS, Tarlac - Kulong ang mag-ina matapos masamsaman ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Sitio Tarikan, Barangay Matatalaib, Tarlac City kamakalawa.

Kinilala ang mga inaresto na sina Limay Groyon, dati nang sumuko sa Oplan Tokhang, 42; at Aries, 21, kapwa nangungupahan sa nasabing lugar.

Sa report ni SPO1 Joey Apolonio, may hawak ng kaso, isinagawa ang operasyon, dakong 9:45 ng gabi.

Nakumpiska sa mag-ina ang dalawang pakete ng hindi pa matiyak na dami ng umano’y shabu at ang P500 marked money.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Leandro Alborote