HANDA ang lahat para sa panibagong CM Challenge Manila na inorganisa ng ColorManila, sa pakikipagtulungan ng Honda Philippines.

KABILANG ang TV host at singer na si Karylle sa nakiisa sa ColorManila CM Challenge Run kamakailan.

KABILANG ang TV host at singer na si Karylle sa nakiisa sa ColorManila CM Challenge Run kamakailan.

Lalarga ang makabuluhan at makulay na karera sa Hunyo 3 sa McKinley West, Taguig City.

Huling rumatsada ang ColorManila nitong Enero -- CM Blacklight Run – na nilahukan ng may 5,000 runners sa McKinley West. Umaasa ang organizers na mapapantayan hindi man malagpasan ang bilang ng mga kalahok sa susunod na karera.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Ayon sa organizers, may kabuuang 20 panibagong obstacle challenge para sa mga kalahok na tatakbo sa 5k route tulad ng inflatable slides, spider maze, inflatable tire skip, at military crawl obstacles. Bukod dito, marerelax din ang mga kalahok sa musika na papailanlang sa bawat daanang obstacle course.

“We’ve updated the CM Challenge Run to make it more exciting, by adding more challenges in the 5K route. CM Challenge Manila is a perfect mix of both a ‘fun-run’ and an ‘obstacle course run’. And yes, it is still capped by our CM Festival. But this time, it will be continuous, there will be a CM Festival which would take place every hour, so if you’ve joined the first wave, there’s no need to wait until the final wave to finish…Our followers will surely enjoy this newly updated version of the CM Challenge Run,” pahayag ni ColorManila VP Justine Cordero.

Naghihintay ang tatlong pagpipiliang race kits at packages tulad ng Single Kit na sa halagang P1,500 entry fee ay kaakibat na ang event shirt, race bib, single entry tag, finisher’s medal, sunglasses, baller ID at color packet.

habang ang Unlimited Kit na may presyong P2,500 ay may kaloob na event shirt, race bib, unlimited entry tag, finisher’s medal, sunglasses, baller ID at color packet, habang ang Squad Package na para sa lima kataong kalahok (grupo) ay may presyong P6,000.

Bukas na ang pagpapatala. Para sa kaaragdagang detalye, bisitahin ang www.colormanila.com.