July 25, 2026

Home BALITA

Lalaki, arestado matapos manghikayat ng pagpapatiwakal sa online messaging platform

Lalaki, arestado matapos manghikayat ng pagpapatiwakal sa online messaging platform

Hinatulan ng pagkakakulong ang isang 21-anyos na lalaki matapos mapatunayang hinikayat niya ang isang 21-anyos na Amerikano na kitlin ang sariling buhay sa isang online video call.

Kinilala ang nahatulang suspek na si Dylan Phelan, na umamin sa kasong paghimok kay Travis Dyer ng Louisiana, United States na magpakamatay noong Oktubre 2024 matapos ang ilang buwang komunikasyon sa pamamagitan ng Discord app.

Ayon sa imbestigasyon, namatay si Dyer habang nasa isang live video call kasama si Phelan at dalawa pang indibidwal na nakabase rin sa US. 

Sa naturang tawag, umano’y paulit-ulit siyang inudyukan na saktan ang sarili, kabilang ang paggamit ng shotgun upang wakasan ang kaniyang buhay.

Sinabi ni prosecutor Alex Johnson na seryoso at nakakabahala ang kaso dahil sinamantala umano ng mga sangkot ang kahinaan ng biktima.

Metro

Bangkay ng babaeng nakasilid sa maleta, natagpuan sa Taguig!

"This was a deeply disturbing case involving the sustained exploitation of a vulnerable young man,” anang prosecutor.

Dagdag pa niya, "Dylan Phelan did not simply witness these events – he deliberately and persistently encouraged Travis Dyer to take his own life, intending that he would do so. His actions were calculated, cruel, and had devastating consequences."

Lumabas din sa imbestigasyon na bahagi umano si Phelan ng isang online group na matagal nang nagta-target kay Dyer kahit batid ng mga ito ang kaniyang pinagdaraanan sa mental health.

Bukod sa kasong may kaugnayan sa pagpapakamatay ng biktima, umamin din si Phelan sa mga paglabag kaugnay ng indecent images of a child at possession of extreme pornography.

Dahil dito, hinatulan siya ng Leeds Crown Court ng anim na taon at apat na buwang pagkakakulong.

Binigyang-diin ni Johnson na mananagot ang mga taong gumagamit ng internet upang mag-udyok ng pananakit sa sarili o pagpapakamatay.

Samantala, sinabi ng Discord na mahigpit nitong ipinagbabawal ang anumang nilalamang naghihikayat o nagdiriwang ng karahasan.

"Real-world violence of any kind is devastating and content that encourages or glorifies this behaviour has no place on Discord,” saad ng pamunuan ng Discord.

Saad pa nila, "When we find that policies are violated, we take decisive action, including removing content, banning accounts, shutting down violative servers, and proactively reporting violations to law enforcement where appropriate and in compliance with the law."