KINUHA ng NCAA Season 94 host University of Perpetual Help ang Azkals legend na si Emelio “Chieffy” Caligdong bilang bago nilang football coach.

CALIGDONG: Dadalhin ang husay sa Perpetual Help

CALIGDONG: Dadalhin ang husay sa Perpetual Help

Pinalitan ni Caligdong ang dating coach ng Altas na si Aaron Carlos Nebreja.

Ang desisyon ay bahagi ng hangarin na muling magkamit ang NCAA football title na mahigit dalawang dekada ng mailap sa Altas.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Huling nagwagi ang Las Pinas-based booters ng NCAA football titles noong 1989 at 1996.

Umaasa ang Altas na babaguhin ni Caligdong ang kanilang kapalaran

sa nakalipas na 22 taon.

“We feel that a legend like Chieffy Caligdong could help us revive out football program and possibly win us an NCAA championship if not this year, but in the near future,” ayon kay Perpetual Help team owner Dr. Antonio Tamayo.

Inaasahang kukuha si Caligdong ng ilang mga manlalaro mula sa kanyang pinagmulang bayang Barotac Nuevo sa Iloilo..

“He will bring in several players from Barotac Nuevo and we’re excited of the team’s future already,” ayon pa kay Tamayo.

-Marivic Awitan