TINUTUKAN at mainit na pinag-usapan ang pilot episode ng bagong Kapuso rom-com series na Inday Will Always Love You (IWALY) nitong Lunes.

PANCHO BARBIE AT DERRICK copy

Base sa National Urban Philippines data ng Nielsen Philippines TAM, pumalo sa 42% overnight people share ang IWALY samantalang nakakuha lang ng 34.8% people share ang katapat nitong Since I Found You.

Pati sa netizens, approved ang IWALY lalo na ang bubbly at positive attitude ng bida nitong si Happlylou Magtibay na ginagampanan ni Barbie Forteza. Umariba sa top spot ang hashtag na #IWALYBonggangPilot. Sa katunayan, hindi pa man umeere ang IWALY ay isa na ito sa mga trending topic sa Pilipinas at nanatili itong pinag-uusapan kahit kinabukasan.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Tila nasabik ang DerBie fans sa pagbabalik tambalan nina Barbie at Derrick Monasterio. Excited sila maging sa mga susunod pang episode lalo na ang pagkikita ng karakter ng kanilang mga idolo. May iba naman na natakam sa mga lechon na bumida sa serye dahil na rin sa trabaho ni Happylou bilang lechon store assistant.

Umani rin ng papuri ang mga kasama ng DerBie sa series na napanood na simula nitong Lunes tulad nina Ricky Davao, Manilyn Reynes, Nova Villa, Gladys Reyes, Kim Rodriguez, Buboy Villar, Liz Liz Simon, at ng fliptop artists na sina Mzhayt and Price Tagg.

Inaabangan na rin ng viewers ang iba pang mga artista sa serye na magiging bahagi ng buhay ng bidang si Happylou tulad nina Tina Paner, Juancho Trivino, Super Tekla, ang kambal na sina Charisse at Charlotte Hermoso, at si Kimpoy Feliciano.

Napapanood ang Inday Will Always Love You pagkatapos ng Kambal Karibal sa GMA Telebabad.