PURA, Tarlac - Bumaha ng dugo sa Pura-Ramos Road, Barangay Poblacion 3, Pura, Tarlac nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo, na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng dalawang iba pa kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Christian Arsadon, 25, driver ng Rusi Motorcycle, ng Bgy. Toledo, Ramos, Tarlac.

Sugatan naman si Kevin Adina, 20, angkas; at ang driver ng Rusi Motorcycle na inaalam pa ang pangalan, kapwa sila isinugod sa Tarlac Provincial Hospital.

Patungo sa Ramos, Tarlac ang motorsiklong minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver nang aksidenteng makabangga ang kasalubong na motorsiklo, na minamaneho ni Arsadon.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

-Leandro Alborote