Sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng parak nang batuhin ang mobile car at tangkaing manaksak sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Nakaratay sa Valenzuela City Medical Center si Aniceto Dimalos, 49, ng Bitik, Barangay Marulas ng nasabing lungsod, matapos barilin ni PO1 Appollo Adina ng Police Community Precinct (PCP) 3 sa kanang hita.

Sa report ni PO3 Josephus Melpaz ng Station Investigation Unit (SIU), sakay sa mobile car si PO1 Adina at nagpapatrulya sa kahabaan ng McArthur Highway, Bgy. Marulas, dakong 6:55 ng gabi.

Nabasag ang side mirror ng mobile car nang batuhin umano ni Dimalos, bago tumakbo patungong Pio Valenzuela Street ng nasabing barangay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Humingi ng tulong si PO1 Adina kay PO1 Johnryl Pateno, ng Police Assistance Desk (PAD), at pinuntahan ang tumakas na suspek.

Nasilayan nina PO1 Adina at PO1 Pateno si Dimalos na may hawak na patalim pasugod sa kanila, kaya napilitan umano si PO1 Adina na barilin ang huli.

Sinampahan ang suspek ng kasong malicious mischief, assault upon person in authority or the agent of such a person, resistance and disobedience to a person authority or the agent of such person, paglabag sa Batas Pmbansa Blg. 6 at Omnibus Election Code.

-Orly L. Barcala