MARAMI ang natutuwa sa natanggap na Dolphy Lifetime Achievement Award ni Vice Ganda mula sa FAMAS.

VICE GANDA copy

Ang Lifetime Achievement Award ay hindi naman nakabase sa matagal na panahong inilagi ng artista sa industriya kundi sa kanyang achievements at sa takbo ng kanyang career.

Hindi maitatanggi na bagamat ilang taon pa lamang si Vice sa showbiz, sobra-sobra pa sa isang lifetime ang kanyang nakamit na mga tagumpay bunga ng kanyang dedikasyon at hard work.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Sa pelikula, patuloy na bini-break ni Vice Ganda ang record na itinala niya sa bawat pelikulang kanyang pinagbibidahan.

Sa telebisyon naman, tuluy-tuloy ang pamamayagpag sa rating games ng It’s Showtime, Gandang Gabi Vice, at ang katatapos na Pilipinas Got Talent.

Sa live stage naman, wala pa ring kumakabog sa sold out concerts ni Vice dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa.

Sa katunayan, ibang level na naman ng kasiyahang ibinigay ng Unlaboggable Star sa mga Kapamilya sa North America kaya muling matagumpay ang kanyang concert series sa US at Canada.

Tuwang-tuwa ang Team Vice sa karangalang iginawad kay Vice at magsisilbi itong isa na namang inspirasyon para ipagpatuloy ang pagbibigay ng kaligayahan at tawanan sa lahat ng Pilipino saan man sa mundo.