Ipinagmalaki kahapon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bahagyang pagtaas ng personal remittances na ipinadala ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa kanilang mga pamilya sa unang bahagi ng 2018.

Sa impormasyon ng BSP, aabot sa US$7.8 billion ang halaga ng personal remittances, mas mataas ng 1.3% sa naitala sa kaparehong panahon noong 2017.

Tinukoy ni BSP Officer-in- Charge Diwa Guinigundo ang 77.5% o US$6.1 billion pagtaas sa personal remittances na nagmula sa mga land-based worker na may kontrata na isang taon o higit pa, habang 20% naman nito, o US$ 1.6 billion, ang nagmula sa mga sea-based worker at mga manggagawa na may kontrata sa trabaho na mas mababa pa sa isang taon.

Gayunman, bumaba ng 9.9% ang personal remittances noong Marso 2018, na aabot sa US$2.6 billion, kumpara sa naitala noong Marso 2017, na maaaring bunsod ng kakaunting banking days sa nabanggit na buwan dahil sa Semana Santa.

National

VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya

-Mary Ann Santiago