DINUNGISAN ng Creamline ang defending champion Pocari Sweat-Air Force, 25-15, 27-25, 17-25, 25-19, nitong Linggo sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Batangas City Coliseum.

Hataw si Thai import Kuttika Kaewpin sa naiskor na 16 puntos, 13 digs at 19 excellent receptions para sa ikatlong sunod na panalo ng Cool Smashers. Nag-ambag si skipper Alyssa Valdez na may 16 marker sa laro na umabot sa isang oras at 45 minuto.

Kumubra si American reinforcement Arielle Love sa Pocari Sweat-Air Force na may 19 puntos, tampok ang 23 attacks, isang block at limang service aces, habang kumana si Madeline Palmer ng 13 puntos at Myla Pablo na may 12 puntos.

Laglag ang Lady Warriors sa 1-2.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nailista naman ng Petro Gazz ang unang panalo sa impresibong 15-25, 18-25, 25-18, 25-20, 15-9, panalo kontra Banko Perlas.

Dominante si Ukranian import Anastasiia Trach na may 27 puntos at 16 digs para sa Angels, sumosyo sa Perlas Spikers na may 1-3 karta.

“Gigil na gigil eh. Gigil tayo sa mga kilos natin so nagi-error, sumusobra sa enthusiasm. Relieved siyempre kasi wala namang coach na nanalo na ‘di na-relieve ‘di ba? Thank God nakakuha kami ng first win,” sambit ni Petro Gazz coach Jerry Yee.