Dead on the spot ang isang miyembro ng Civilian Armed Force Geographical Unit (CAFGU) nang pagbabarilin ang kanilang detachment sa Camarines Sur, kamakailan.

Ang napatay ay nakilalang si Jharel Padayao, 24, ng Barangay Bicalen, Presentacion, Camarines Sur.

Sa pahayag ng Camarines Sur Police Provincial Office, nagsasampay ng mga damit ang biktima sa loob ng detachment sa Bgy. Bicalen nang pasukin ng hindi nakilalang armadong suspek at sunud-sunod na pinaputukan, ayon kay Senior Insp. Bernardo Peñero, hepe ng Presentacion Municipal Police.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Fer Taboy