Naghihimas na ngayon ng rehas na bakal ang tatlong magpipinsan matapos upang pagtripan at pagtulungang bugbugin ang isang college student na nakasalubong lamang nila sa kalsada sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling araw.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD)-Station 8, ang mga suspek na sina Jhune Collarga Ylinon, 26; Florante Opelario Ylinon, Jr., 25; at Arce Moreno Ylinon, 25, pawang stay-in workers sa Elpidio Quirino High School sa Bacood, matapos na ireklamo ng pambubugbog ni Johans Louis Chan, 20, college student, at taga-Bacood, Sta. Mesa.

Ba t ay s a ul a t mul a s a tanggapan ni Supt. Ruben Ramos, hepe ng MPD-Station 8, nabatid na dakong 1:10 ng umaga at naglalakad si Chan sa lugar pauwi nang makasalubong ang tatlong umano’y lasing na suspek.

Napagtripan umano ng mga suspek ang biktima kaya binangga ito at pinagtulungang bugbugin, kasabay ng bantang papatayin.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

May nakapagsumbong naman ng insidente sa mga tauhan ng Bacood Police Community Precinct (PCP), at sa pagresponde nina PO1 Eliazer Tampol at PO1 Kimberly Gammaru, at sa tulong ni Barangay Kagawad Marlon delos Santos ng Barangay 611, ay inaresto ang mga suspek.

-MARY ANN SANTIAGO