Inaresto ng awtoridad ang isang lalaki at dalawang babae makaraang maaktuhan umanong bumabatak ng shabu sa loob ng isang lumang kubo sa Taguig City, nitong Linggo ng hapon.

Nakapiit ngayon sa himpilan ng Taguig City Police sina Mark Anthony Nicosia y Franco, Catherine Oyao y Sala, at Ma. Mila Dalanon y Ranola, pawang nasa hustong gulang at taga-Fort Bonifacio.

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), nagpapatrulya sina PO1s Vincent Paul Mansibang, James Crabuena, at Marivic Mongilit, ng Police Community Precinct (PCP)-7 nang makatanggap ng timbre mula sa isang impormante kaugnay ng umano’y pot session sa loob ng lumang kubo malapit sa daanan ng tren sa Zone 2, Block 9 sa Fort Bonifacio, dakong 3:45 ng hapon.

Naabutan umano ng mga pulis ang tatlong suspek na bumabatak ng ilegal na droga at nakonsumo na umano ang isang pakete ng hinihinalang shabu.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Narekober pa umano sa mga suspek ang dalawa pang pakete ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.

-Bella Gamotea