RERENDAHAN nina Rolly Parondo Jr. at Gary Legaspi ang Team Mikhael James sa pagsulong ng pinaka-aabangan na Jose P. Leviste Sr. 2018 Annual ADMU Chess 4x4 Team Tournament sa Hunyo 9, 2018 sa Grade School Cafeteria, Ateneo de Manila.
Makakasama nina Parondo at Legaspi sa Team Mikhael James ay sina Filipino at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. at Von Steven Aquino.
Nakataya sa magkakampeon ang P30,000 ayon sa organizing group na kinabibilangan nina Grandmaster Darwin Laylo, International Masters Jan Emmanuel Garcia at Yves Ranola at Ildefonso “Ponching” Datu, bahagi ng coaching staff ng Ateneo de Manila University chess team.