Magsasagawa ang Department of Justice (DoJ) ng hiwalay na imbestigasyon sa mga public prosecutor na nadadawit sa pagpuslit ng alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga piskal na kanyang pinaiimbestigahan dahil sa posibleng pagkakasangkot sa katiwalian.

Kinilala ang mga piskal na sina Prosecutor Samina Sampaco Macabando-Usman, Pasay City Prosecutor Benjamin Lanto, Inquest Prosecutor Clemente Villanueva, at Assistant Prosecutor Florenzo dela Cruz.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang imbestigasyon ay pamumunuan ng DOJ-Internal Affairs Unit.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, tututukan ng imbestigasyon ang kasong administratibo na maaaring kaharapin ng mga piskal.

Nag-ugat ang kontrobersiya makaraang pakawalan at iutos na isailalim sa full blown preliminary investigation ang mag-asawang sina Abraham Mimbalawag at Bang-sa Mimbalawag, gayundin ang NAIA Customs Operations Officer na si Lomontod Macabando na hinihinalang sangkot sa jewelry smuggling.

-Beth Camia