PATULOY ang sorpresang ratsada ng College of St. Benilde sa ginaganap na Chooks to Go Filoil Flying V Pre Season Cup matapos iposte ang ikaapat na sunod na panalo sa impresibong 74-69 panalo kontra Arellano University kahapon sa San Juan City.

Nagposte ng game high 20-puntos si Yankie Haruna upang pamunuan ang nasabing panalo na nagpatatag ng kanilang kapit sa liderato ng Group B.

Nag-ambag naman sa kanyang patuloy na consistent na performance si Justin Gutang na umiskor ng 19-puntos.

Sa kabilang dako, namuno naman sa Chiefs na bumagsak sa patas na barahang 2-2, si Levi de la Cruz na nagposte ng 14-puntos.

Sanhi ng pagkatalo tumabla ang Chiefs sa Letran sa ikalimang puwesto.

'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala

Napanatili naman ng Blazers ang kanilang estado bilang nag-iisang koponang walang talo sa kanilang grupo.

-Marivic Awitan