ANG sweet ng birthday greetings ni Benjamin Alves sa girlfriend niyang si Julie Anne San Jose sa ika-24 kaarawan nito last May 17. Ang ipinost na solo picture ni Bejamin sa social media ay may heartwarming birthday message.

JULIE ANNE AT BENJAMIN copy

“The most beautiful song I have heard you sing. Was to say the words: I love you, my best friend. Happy birthday to you, my love. May all your days be filled with smiles and your world be full of pleasant surprises. Let’s continue this story and grow old together, shall we?”

Kinilig ang fans ng dalawa sa nabasa nila, para raw kasing marriage proposal ang birthday message ng binata lalo na ang linyang, “Let’s continue this story and grow old together, shall we?”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Disappointed lang ang ibang fans na umasa ng mas romantic response sa sagot ni Julie Anne na, “Thank you love.” Pero malay natin at may mas nakakakilig na pa-thank you si Julie Anne kay Benjamin, baka hindi lang nito ipinost.

Ang maganda kina Benjamin at Julie Anne, nagsusuportahan sila sa kanya-kanyang career. Suportado at ipinu-promote ni Benjamin ang My Guitar Princess kasama sina Gil Cuerva at Kiko Estrada na napapanood bago mag-Eat Bulaga.

Tiyak na ipu-promote rin ni Julie Anne ang Karibal Ko Ang Aking Ina na bida si Benjamin kasama sina Sunshine Cruz, Jean Garcia at Bea Binene. Malapit na ang airing nito.

-NITZ MIRALLES