Habang isinusulat ang balitang ito, nanganganib ang buhay ng isang babae matapos tamaan ng ligaw na bala habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa tapat ng isang mall sa Barangay dela Paz, Pasig City kamakalawa.

Nilalapatan ng lunas sa Marikina Valley Hospital si Carolina dela Cruz, nasa hustong gulang, general manager, dahil sa tumamang ligaw na bala sa kanyang leeg.

Sa ulat ng Pasig City Police, naganap ang insidente sa tapat isang mall sa Marcos Highway, Ligaya, sa Bgy. Dela Paz, dakong 7:40 ng gabi.

Ayon sa testigong si Evangeline Domingo, sakay siya sa Toyota Vios na minamaneho ng biktima at pagsapit sa tapat ng mall ay napansin niyang may lumalabas na dugo sa kaliwang bahagi ng leeg ng biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad isinugod ang biktima sa naturang ospital.

Sa ocular inspection, ligaw na bala ang tumama sa biktima dahil sa nakitang bullet hole sa bintana ng sasakyan.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

-Mary Ann Santiago