Isang bag na kinapapalooban ng mga baril ang natagpuan ng isang basurero sa tambakan sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City kamakalawa.

Sa ulat ng Pasig City Police sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director Police Chief Supt. Reynaldo Biay, naghahanap si Chito Arreo, 28, ng mapapakinabangang mga basura sa tambakan sa Urbano Velasco Avenue sa Bgy. Pinagbuhatan nang matagpuan niya ang isang itim na bag na may lamang tatlong baril at agad niya itong isinurender sa EPD, bandang 9:00 ng umaga.

Nakapaloob sa bag ang isang Charles Daly .45-caliber pistol, isang .38-caliber Pietro Berreta pistol, at isang .22-caliber revolver.

Itinurn-over na sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga baril, para sa ballistic examination, habang kinukunan ng pahayag si Arreo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Mary Ann Santiago