Nananatili pa ring pinakamayamang senador sa bansa si Senator Cynthia Villar, batay sa isinumite niyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa 2017.

Nadagdagan ng P5.2 milyon ang P3,606,034,000 na yaman ni Villar noong 2016, at umabot na ito sa P3,611,260,766 noong 2017.

Si Senator Manny Pacquiao naman ang pumangalawa, kahit na nabawasan ng P126 milyon ang kanyang yaman mula sa P3,072,315,030 noong 2016, na nasa P2,946,315,029.93 na lang noong nakaraang taon.

Si Senador Antonio Trillanes IV naman ang pinakamahirap sa mga senador na may P6,871,743.64 net worth noong 2017, kahit pa nadagdagan ito ng P365,071.51 mula sa SALN niyang P6,506,672.13 noong 2016.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pangalawang pinakamahirap si Senator Leila de Lima (P7.9 milyon), sinusundan si Senator Francis Escudero (P8.5 milyon).

Ikaanim naman sa pinakamahirap si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa P18,110,000.

Si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang ikatlong pinakamayaman na may P539 milyon, kasunod sina Senators Juan Miguel Zubiri (P152 milyon) at Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara (P131,765,860).

Pang-anim kasunod ni Angara si Senate Minority Leader Franklin Drilon (P93,727,005), sina Senators Grace Poe (P90,674,709.72), Sherwin Gatchalian, (P88,226,485,77), JV Ejercito (P78,953,332.58), Richard Gordon (P69,508,942.57), Senate Majority Leader Vicente Sotto III (P64,730,400), Nancy Binay (P60,612,685), Loren Legarda (P51,316,903.13), Bam Aquino (P39,192,743.62), Panfilo Lacson (P36,305,440.90), Gregorio Honasan (P25,243,912.89), at Joel Villanueva (P23,727,895).

-Leonel M. Abasola