SARIWA pa sa tagumpay sa 2018 National Age Group Chess Championships (NAGCC) Grand Finals Boys Under-14, nakatuon na ang paghahanda ni Philippine chess wizard Jasper Faeldonia sa 2018 Asian Universities Chess Championship sa Hunyo 2 sa Tagaytay International Convention Center.

Pambato ng bansa ang incoming Grade 8 student ng Arellano University at suportado nina Odiongan, Romblon Mayor Trina Firmalo, Manila Councilor Anton Capistrano, at sportsman Reli de Leon.

Kasama ni Faeldonia sa Team Philippines ang mga kampeon mula sa UAAP, NCAA at SCUAA.

Ang 13 anyos na si Faeldonia, miyembro rin ng Espana Chess Club, sinasanay nina Arellano University coach National Master Rudy Ibanez, National Master Edgardo Garma at 7-time Philippine Executive Champion Dr. Jenny Mayor.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kasama rin siya sa koponan na isasabak sa 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championship na gaganapin sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City mula Hunyo 18 hanggang 28, kung saan sa nakaraang edisyon sa Pahang, Malaysia, nakamit ng Pilipinas ang over-all title na matagal ng pinagharian ng Vietnam sa paglikom ng 83 gold, 37 silver at 29 bronze medal.