BUTUAN CITY - Nakatak­dang bakunahan ng Department of Health (DoH) ang aabot sa 300,133 bata bilang pangontra sa tigdas sa Caraga region.

Puntirya ng DoH na mabaku­nahan ang mga batang mula anim hanggang siyam taong gulang, na residente ng anim na lalawigan sa Northeastern Mindanao (Caraga region).

Isasagawa ng ahensiya ang door-to-door measles immuni­zation sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Nitong nakaraang Biyernes, inilunsad na ng DoH ang kanil­ang “Ligtas Tigdas Plus: Mea­sles Rubella Supplemental Im­munization Activity” sa covered court ng Barangay Baan Km. 3. Tatagal ang programa hanggang Hunyo 8.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Inilunsad ang programa nang maiulat na umabot na sa 82 ang tinamaan ng tigdas, ayon na rin sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng DoH.

-Mike U. Crismundo