Ni Gilbert Espeña
DALAWANG Pilipino ang sasabak ngayon sa China sa katauhan nina Jose Tejones at Diarh Gabutan target ang nakatayang WBC regional titles.
Kakasahan ni Tejones ang walang talong knockout artist na si Yiran Li ng China sa 10 rounds na sagupaan para sa bakanteng WBC Youth featherweight title sa lalawigan ng Xi An.
May perpektong rekord si Li na apat na panalo, pawang sa knockouts, kumpara kay Tejones na may 10 panalo, 6 sa pamamagitan ng knockouts, at 5 talo.
Kakasa naman si Gabutan sa wala ring talong si ZongLi He para sa bakanteng WBC Asian Boxing Council Silver super flyweight title.
Beterano si dating world rated Gabutan sa kartadang 20-6-3na may 11 pagwawagi sa knockouts kumpara kay He na may tatlong panalo pa lamang, isa sa knockout.