Ni Mary Ann Santiago

Tatanggalin ng Commission on Elections (Comelec) ang sinumang kandidatong nanalo sa Sangguniang Kabataan Elections kapag mapapatunayang lumabag sa anti-political dynasty provision ng Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act.

Ito ang banta ni Comelec Commissioner Luie Guia, kasunod ng natanggap nilang report na may ilang SK candidates ang lumabag sa naturang probisyon ng SK law.

Kinumpirma ni Guia na marami na silang natanggap na kahalintulad na reklamo at tiniyak na masusi nilang iimbestigahan ito.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Alinsunod sa anti-dynasty provision ng SK law, ang isang kandidato ay hindi dapat related hanggang second civil degree of consanguinity o affinity sa isang incumbent elected national official o incumbent elected regional, provincial, city, municipal, o barangay official, sa lokalidad, kung saan siya tatakbo sa posisyon.

Matagumpay na nakapagbukas ang 100% ng mga polling precinct sa buong bansa sa idinaos na halalan kahapon.

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Officer-In-Charge (OIC) Al Pareño, nagbukas ang lahat ng presinto, maliban sa Marawi City, na tanging lugar na walang botohan kahapon matapos na suspendihin ng poll body dahil sa giyerang naganap sa pagitan ng teroristang Maute- ISIS group at tropa ng militar noong nakaraang taon.