JERUSALEM (Reuters) – Naglunsad ang Israel nitong Linggo ng mga pagdiriwang para sa paglipat ng U.S. Embassy sa Jerusalem, ngunit kapansin-pansin ang hindi pagdalo ng maraming envoy sa piging na inihanda ni Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Nagbukas ang embahada kahapon matapos kilalanin ni U.S. President Donald Trump noong Disyembre ang Jerusalem bilang kabisera ng Israel.

Ikinagalit ng mga Palestinian, na nais maging kabisera ng kanilang future state ang east Jerusalem, ang paglipat ng administrasyon ni Trump sa U.S. Embassy mula sa Tel Aviv, habang nagpapatuloy ang mga pagsisikap na matamo ang kapayapaan.

Nagsalita sa dignitaries sa Foreign Ministry, kabilang si U.S. Treasury Secretary Steven Mnuchin at ang anak at manugang ni Trump, sina Ivanka Trump at Jared Kushner, hinimok ng Israeli prime minister ang ibang bansa na sundan ang hakbang ng Washington.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

“Move your embassies to Jerusalem because it’s the right thing to do,” ani Netanyahu.

Sinabi ng Israel na inimbitahan ang lahat ng 86 bansa na mayroong diplomatic missions sa bansa, at 33 ang nagkumpirmang dumalo, kabilang ang mula sa Guatemala at Paraguay, na magbubukas din ng kanilang embahada sa Jerusalem.