Glaiza de Castro
Glaiza de Castro
KABABALIK lang ni Glaiza de Castro mula sa ilang araw na bakasyon sa Australia, after ng renewal of vows ng parents niya na nagdiwang ng 38th marriage anniversary. 

Nakakatawa si Glaiza nang ipakita ang video ng kanyang parents na may kissing scene ang mag-asawa.  Sa susunod daw, sabihin sa kanila na may ganoong eksena para daw ready naman sila, nabigla raw sila sa  napanood nila. Of course, nagbibiro lang si Glaiza.

Para kay Glaiza, ang best friend niya ay ang kanyang ina. Kaya natanong siya kung ano ang advice nito sa kanya nang pasukin na niya ang showbiz.

“There was a phase na akala ko lahat ng tao sa paligid ko p’wede kong pagkatiwalaan. When I realized iba-iba kami ng perspective, lifestyle and objective sa buhay, that’s the time when I turned to Nanay at sinabi niya sa akin na huwag akong matakot na maging kaibigan siya dahil p’wede akong iwan ng lahat ng mga akala kong kaibigan, pero hinding-hindi siya.”

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Hanggang ngayon, kapag mahihirapan siyang magdesisyon sa kahit anong bagay.), ang kanyang ina ang takbuhan niya, at wala itong advice sa kanya na hindi niya sinunod.

Kahit sa kanyang afternoon prime drama series na Contessa, nahihingan niya ng advice ang ina para sa role niya bilang si Contessa.  May mga eksena kasi na kailangan niyang ibigay ang character na matapang at palaban, at  ang nasa puso lamang niya ay ang makapaghiganti sa mga nakagawa sa kanya ng kasalanan. Pero may soft side si Contessa pagdating sa best friend na natutuhan na niyang mahalin, si Jong (Jak Roberto) at sa kapatid niyang si Ely, ang tanging naiwan sa kanyang pamilya at naging dahilan para maghiganti si Contessa.

Ngayon ay tuluy-tuloy na ang mga mabibigat na eksena sa Contessa na involved sina Tetchie Agbayani, Chanda Romero, Gabby Eigenmann, Lauren Young, Geoff Eigenmann at Glaiza.  Napapanood sila Mondays to Saturdays, after Eat Bulaga. --Nora Calderon