SINO ang magsasabing siya ay nanay ng binatang 22-years-old?

ANGEL copy

Hot and sexy si Angel Jones, singer, model, artist, at winner sa Ageless category ng kakatapos na Century Tuna Superbods Ageless 2018.

Ayon kay Angel, labing-pitong taong gulang lamang siya nang kanyang isilang ang up and coming Kapamilya actor na si Tony Labrusca.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I was really young at that age... I was scared and I didn’t know if I would be good at it,” pag-amin ni Angel sa isang interview.

Ganoon pa man, hindi naging hadlang ang pagsubok na ito sa half-Filipina at half-Mexicana upang maging mabuting ina at magpursigi sa kanyang karera sa buhay; bagkus, ito pa nga ang nagtulak sa kanya para lalo niyang pagbutihin ang kanyang sarili.

“Now, it’s like I’m glad I had that early. I can enjoy them longer... I work out with my kids; sometimes. We go to certain events together, we travel together and that’s pretty cool!”

Nag-umpisa ang singing career ni Angel bilang member ng international Filipino pop trio na Kulay na naging sikat noong 1990s. Sa kasagsagan ng kanilang career, nagkaroon sila ng European concert tours, Billboard chart hits, pati na rin TV shows at endorsements.

“She can hold a note and she can entertain,” wika ni Boom Dayupay na nakasama ni Angel sa Kulay. “She did great doing her part.”

Nang mag-disband ang Kulay, si Angel na ngayon ay hot and sexy pa rin at 39 years old, ay isa nang successful events host, make-up artist, life coach at public speaking mentor.

“My passion lies in helping others through individual life coaching and public speaking. My methodologies express my love for emotional and social intelligence (EQ), self awareness, personal acceptance, and clarity,” saad ni Angel sa kanyang blog.

Sa pagkakapanalo niya sa Century Tuna Superbods Ageless 2018, hindi maitatanggi na magsisilbi siyang inspirasyon hindi lamang para sa single moms kung hindi sa lahat ng kababaihan. Hindi hadlang ang mga pagsubok para kamitin ang tagumpay sa ating mga pangarap sa buhay.