SAMAHAN ang Kapamilya love teams na Joshlia, Loinie, MarÑigo, at MayWard sa pinakainaabangang Just Love Araw-Araw Fan Meet na magaganap na sa May 19 at 20 (Sabado at Linggo) sa ABS-CBN Vertis Tent.

JOSHUA GARCIA AND JULIA BARRETTO copy

Ang eksklusibong fan meet na handog ng ABS-CBN Events ay unang tatampukan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa May 19 (Sabado), 3 PM. Mapapanood naman sa gabi, 7 PM, ang masayang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Sina Maris Racal at Iñigo Pascual naman ang magpapasaya sa May 20 (Linggo), 3 PM, at makakasama naman ng JoshLia fans ang kanilang paborito na sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa gabi, 7 PM.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Magkakaroon ng masasayang games, challenges, at iba pang activities para sa nasabing exciting event pati na rin ang inaabangang performances ng maiinit na love teams ngayon.

Inaanyayahan din ang mga bisita na sumali sa “Dress To Impress” game sa pamamagitan ng pagsuot ng kanilang bonggang OOTD para sa pagkakataong magkaroon ng groufie shot kasama ang kanilang paboritong tambalan.

Maaari ring gumawa ang mga bisita ng kanilang fan art alay sa kanilang paborito upang magkaroon ng pagkakataong mapili at maiuwi ang pre-loved item mula sa kanilang mga idolo.

Mabibili ang tickets para sa Just Love Araw-Araw Fan Meet sa ktx.abs-cbn.com at sa ABS-CBN Store sa ELJ Communications Center. Para sa sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.