Ni NITZ MIRALLES

MATUTUPAD na ang wish ng fans ni Kyline Alcantara na mapanood sa big screen ang Kambal Karibal star dahil nabalitaan naming may gagawin itong pelikula kasama si Glaiza de Castro.

KYLINE copy

In fact, this May na ang simula ng shooting at isa ang Catbalogan, Samar sa magiging location.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Wala pang title ang movie na ididirihe ni Bona Fajardo, ang director ng I Found My Heart In Santa Fe na pinagtambalan ng ex-couple na sina Roxanne Barcelo at Will Devaughn.

Bukod kay Bea Binene, wala pang ibang nabanggit sa magiging kumpletong cast sa movie nina Glaiza at Kyline. Hindi rin alam kung magkakaroon ng love interest ang tatlo dahil sesentro sa siblings relationship ang movie. Yes, gaganap na magkakapatid sina Glaiza, Kyline at Bea.

Hanggang June pa ang airing ng Kambal Karibal, this May na sisimulan ang movie ng tatlong Kapuso stars at sinigurong hindi maaapektuhan ang taping ni Kyline sa Kambal Karibal, taping ni Bea ng Karibal Ko Ang Aking Ina at taping ni Glaiza ng Contessa. Aayusin ng kanilang managers at handlers at production staff ng three soaps ang schedule nila.

Speaking of Kyline, araw-araw yatang dumarami ang fans niya at makikita ito sa dumaraming followers ng dalagita sa social media. Ang bilis umabot sa 1.1 ng followers niya sa Instagram at very active silang pumunta sa mall shows ni Kyline at pagpa-trend ng shows niya.

Ang cute na sa halip na “fans” o “friends,” “sunflowers” ang tawag ni Kyline sa supporters niya dahil ito ang favorite flower niya.