NAGSALITA si Ariana Grande hinggil sa mga balita na naghiwalay na sila ni Mac Miller matapos ang halos dalawang taong relasyon.

image copy

Nagpaskil ang 24-anyos na No Tears Left to Cry singer ng maikling Instagram Story nitong Huwebes na nagpapahiwatig ng kanilang breakup, ngunit nagpapahayag ng pagmamahal sa kanyang ex-boyfriend.

“Hi! This is one of my best friends in the whole world and favorite people on the planet malcom mccormick,” saad niya. “I respect and adore him endlessly and am grateful to have him in my life in any form, at all times regardless of how our relationship changes or what the universe holds for each of us!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Huling nakitang magkasama ang dalawa sa Coachella, pagkatapos ng surprise appearance ni Ariana. Bago ang kanyang performance, nag-post siya ng sweet IG Story na makikitang hinahalikan siya ni Miller sa pisngi.

Ngunit tila hindi meant to be ang dating magkasintahan na iniulat na naghiwalay dahil sa napakaabala nilang schedules. Gayunman, nananatili silang magkaibigan.

Winakasan ni Ariana ang naturang IG Story sa pagsasalita tungkol sa unconditional love at patuloy niyang pagsuporta sa rapper.

“Unconditional love is not selfish. It is wanting the best for that person even if at the moment, it’s not you,” isinulat niya. “I cant wait to know and support you forever and i’m so proud of you!!”