Ni ORLY L. BARCALA

Patay ang isang elementary teacher nang barilin ng dati nitong nobyong pulis, na kalaunan ay nagbaril din sa sarili sa Caloocan City kamakalawa.

 PINATAY SA LABIS NA PAGMAMAHAL? Inilalabas ng mga tauhan ng purenarya ang bangkay ng teacher na binaril ng dati nitong kinakasama sa bahay nito sa Dagat-Dagatan, Caloocan City kamakalawa. (RIO LEONELLE DELUVIO)


PINATAY SA LABIS NA PAGMAMAHAL? Inilalabas ng mga tauhan ng purenarya ang bangkay ng teacher na binaril ng dati nitong kinakasama sa bahay nito sa Dagat-Dagatan, Caloocan City kamakalawa.
(RIO LEONELLE DELUVIO)

Kapwa duguan at magkatabi pa ang mga bangkay nina Lyka Jane Arciaga, 28; at PO1 Danilo Roa, 29, nang datnan ng mga tauhan ng Special Weapon and Tactics-Special Response Unit (SWAT-SRU) ng Caloocan Police.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Base sa report, nagtungo si PO1 Roa sa bahay ni Arciaga sa Barangay 22, Kaunlaran, Dagat- Dagatan, Caloocan City, dakong 9:00 ng gabi.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, nakarinig sila ng pitong magkakasunod na putok ng baril mula sa bahay ni Arciaga at agad tumawag ng mga pulis.

Pinasok ng awtoridad ang bahay ni Arciaga, at nadatnang wala na itong buhay gayundin si PO1 Roa.

Sa imbestigasyon, gusto umanong makipagbalikan ni PO1 Roa kay Arciaga, ngunit hindi pumayag ang huli kaya pinagbabaril ng suspek.

Matapos mapatay ang biktima, nagbaril sa sarili ang suspek.