Ni Reggee Bonoan

ILANG ang mga household staff sa kanilang among singer/actress dahil masyado raw ito mabunganga kapag nasa bahay.

Kuwento sa amin ng taong nakaranas mabulyawan ng singer/actress, “Malinis po sa bahay si ____ (singer/actress) kaya may makita lang na nakakalat na tsinelas o dahon sa may garahe ay tumatalak na.

“Puwede naman sigurong sabihan kaming linisin o ayusin, ‘kaso pasigaw po lagi ang utos niya, ‘tapos sasabayan pa ng nanay niyang mataray din.”

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Nakakagulat na may ganito palang ugali ang singer/actress sa loob ng bahay nila dahil kapag nasa showbiz ay tahimik bagamat kapag nasa mood ay madaldal at taklesa.

Dagdag pa ng taong natalakan na ng singer/actress, “Maski po ‘yung mga trabahador sa business nilang fruit stand walang tumatagal kasi wala sa lugar kung kagalitan niya. Kaya ang ending kaanak niya ang nagbabantay at kadalasan ang nanay niya ang tumatao.”

Inisip na lang namin na baka pagod lang sa trabaho ang singer/actress na isinasagad ang sarili para siguro pagdating niya ng bahay ay matutulog na lang at para hindi na sila magtalo pa ng magulang niya.

Nag-usisa tuloy kami kung may benefits naman sila sa paninilbihan nila sa singer/actress kasama ang magulang, mga kapatid at pamangkin.

“Wala po,” mabilis na sagot sa amin.

Pero malaki ba ang suweldo nila, tanong pa namin.

“Depende po kung ilang taon ka nang naninilbihan. ‘Pag medyo bago pa, mababa talaga ang suweldo. Pero pag matagal na, sapat lang,”