Ni Bella Gamotea

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nito makaraang paulanan ng bala ng riding-in-tandem sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Ronald Padillo, nasa hustong gulang, ng Barangay Olympia, Makati City.

Nilalapatan naman ng lunas ang kasama niya na si Lawrence Dulon, nasa hustong gulang, na tinamaan din ng bala sa katawan.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Samantala, inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na kapwa walang suot na helmet at sakay sa itim na motorsiklo.

Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang pamamaril sa Barasoain Street, Bgy. Olympia sa lungsod, bago mag-1:00 ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, natutulog sina Padillo at Dulon sa loob ng nakarapadang jeep sa lugar nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima.

Matapos ang pamamaril, humarurot ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.

Aminado ang kaanak ni Padillo na gumagamit siya ng ilegal na droga, ngunit itinangging nagbebenta nito.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.